Join me as I swim around my whirlpool. I'll make it endless.

Google
 

Thursday, September 6, 2007

THE UNTOLD STORY OF PARENG PLEMONG

Friday, June 22, 2007 (after a month of suffering from severe cough)

Dahil sa ubo ko ngayon na masyadong tuyo- ni isang plema ay wala...naalala ko tuloy ang mga plemang ibinuga ko sa loob ng biente nwebeng taong nabubuhay ako dito sa mundo. Wala lang, naisip ko lang na may halaga din pala ang naturingan nating peste sa ating mga baga at lalamunan.

Isang linggo na ang nakalipas ng neresetahan ako ng Doktor ko ng gamot para lumabas ang plema. Sabi pa nga ng Doktor, itext ko daw sya kung me plema ng lumabas - mas berde mas mabuti-wow! Ang point nya pag me lumabas ng plema, e di mas madali ng gamotin kung ano man ang sanhi ng ubo ko. So plema ang tangi nyang paraan para mahothotan pa ako ng perang ipambabayad sa kanya. Galing mo Doc!

Ngaun, habang naka-upo sa table ko, actually sa silya ko, kasi di naman pwedeng upoan ang table at baka sitahin ako ng boss ko, naalala ko ang mga plema na pilit kung inilabas mula sa aking cute na mga baga, tungo sa aking ilong at sa aking bunganga. Actually, yes actually may tatlong okasyon lang na di ko malilimutan sa tanang buhay ko. Mga okasyon kung saan ang naging agaw ekesena ay ang mga pesteng plema na inilagay ako sa nakakahiyang sitwasyon. Buti na lang may itsura ako. Wala lang trip ko lang sabihin na may itsura ako - wala namang kuneksyon sa plema. Anyway blog ko naman 'to.

Magbalik tanaw tayo. Grade-schooler ako. Siguro grade 1 ako nun. Nung panahon na yon, hinahatid kami palagi ng nanay ko sa school. Sa jeep, para makatipid ng pamasahe, sya lang ang nakaupo, kandong nya ang kuya ko at ako naman pinapatayo sa may bandang unahan ng jeep. Hindi sa front seat ha, sa likod ng jeep pero sa gawing unahan, kung saan, pagnakatayo ako dun, bunbonan ng driver ang nakikita ko o di kaya kuto ng batang pasaherong katabi ng driver.

Bibo ako ng bata pa. Di ako nahihiya pag nakatayo ako dun.

Alam ko bata pa lang ako, pilit na akong pinapatay ng ubo ko. Minsan ubo ako ng ubo, pero that time me plema. Ung tipong kada hinga ko, naririnig ko din ang galaw ng plema sa loob. Dahil ubo ako ng ubo, dapat idura ko din ang plema. At dahil hindi ako basta makadura kung saan-saan lang, lalo na sa mga mukha ng pasahero, ang deskarte ng nanay ko, nagbaon sya ng mga scratch paper para doon ako dumura. Ung mga scratch paper na yon ang mga pinagsulatan namin habang nirereview nya kami sa gabi. Minsan mga computation ng mga kautangan namin sa tindahan ni Mang Jo-al o kaya mga bilihin nya sa palengke. Anyway, nung umagang un, ubo ako ng ubo, gusto ko ng idura ang plema kaya lang nasa medyong hulihan napa-upo ang butihin kung ina kaya di naya nahugot agad ang mga scratch paper. Isa pang ubo at bubulwak ng palabas ang mga plema. At nangyari nga ang kinakatakotan ko. Umobo pa ako ng isa. At un! Naging instant shampoo ng isang estyudayante na naka-upo sa front seat ang mga plema ko. Naalala ko pa, batang babae un na nakatira din sa Baranggay Bata at nag-aaral din sa ETCS. Schoolmate ko, in short. All the while ng byahe di nya nalaman ang bugahan-ng -plema portion. Alam ko may nakakita, pero di ko maalala kung may nagsabi sa pobreng bata.

Mabilis abante AKA fast forward tayo. Third year high shcool na ako, sa LaCo. Eto na naman ubo ako ng ubo. Minsan naisip ko pinaglihi ako sa plema kasi kada taon inu-ubo ako. Nasa bandang gitna ako nakaupo. katabi ko si Marites sa upoan. Si Marites, nakatira din malapit sa bahay namin. Hello Marites, kung saan ka man ngaun! Ubo ako ng ubo, at di ko namalayang sumama palabas ang plema ko sa pag-ubo ko. Tumilapon ito sa arm-chair ko aka mini table namin. Buti na lang nakita ko ang paglipad ng plema at dali-dali ko itong tinakpan. Akala ko ligtas na ako sa kahihiyan. Nakita pala ni Marites ang lahat na pangyayari. At ng napatingin ako sa kanya, nakatitig sya sa kamay ko na nakatakip pa din sa plema. Pero this time, nakahawak na ako sa plema, as in puro plema na ang palad ko. Tinanong ako ni Marites kung ano un. Nagpapainosente pa ang luka-luka. Sabi ko plema ko, gusto mo?

Ang pangatlo at ang panghuli. Nagtratrabaho na ako sa isang Audit Firm sa may Ayala, Makati. Nakatira kami sa Pembo, na medyo me kahabaan din ang byahe dahil sa traffic. Eto na naman po kami, ubo ako ng ubo. Dito sa Maynila, pilit talagang pinapupuno ang jeep ng driver. Aandar lang ang jeep kung sa tingin nya malasardinas na kami, na halos di na kami makahinga sa sobrang siksikan. Dun lang kami lalarga. So isipin nyo na lang ang scenario. Punong-puno ang jeep. Buti na lang di kami nagkapalitan ng mukha ng ibang mga pasahero. Lugi sana ako. Puno na nga ang jeep, may kumakahol pa. Yes ako po iyon.

Eto na po. Sa kakaubo ko di ko na inalis ang kamay ko sa bunganga ko. Siyempre may breeding din naman ako. Kala nyo ha. Tinatakpan ko din ang bunganga ko kada ubo. Napalakas bigla ang pag-ubo ko at sumamang tumilapon palabas ang mga plema. Buti na lang nakatakip ang kamay ko. Punong-puno ng plema ang kaliwang kamay ko. Okay, di naman ako ngpanic. Habang nakatakip pa din ang left hand ko sa mouth ko, ang kanang kamay ko naman ay pilit na hinuhugot ang panyo ko sa bulsa. My golly! nakalimotan ko ang panyo ko! Shit na malagkit! Pano na! Nagpanic na ako! Although ung iba walang pakialam sa akin, me ibang pasahero na medyo curious na din sa pinaggagawa ko. Okay so wala akong panyo, at me plema ang kaliwa kong kamay. At dahil di naman pwedeng sa lahat ng panahon nakadikit ang left hand ko sa mouth ko, tinanggal ko ito na parang wala lang. Yes parang wala lang. Galing ko no? Sa kahabaan ng traffic natuyo din ang putris na plema.

Haaay, buhay nga naman. O s'ya, hanggang dito na lang muna ang kwento ni plemong. Hanggang sa muli.

6 comments:

Unknown said...

very creative and entertaining write!!! dapat sang sa ripples mo pa ni gin pass! waler waler a. grabe tawa ko brandz. as in. to da max. bitin pa gani. himua bla sequel.heheehehe.. nami pa gid may cartoons.

jb29 said...

hahaha...thanks anne...basta dinamak..u can count on me hahaha...joke..sige manumdom pa ko mga linagtok pa nga natabo sa kabuhi ko haha...speaking of nipples ay ripples...i miss LCC huhuhu...

musta kita naton sa hadsens anne? guina tum-ok ko thrice a day imo pasayod para di man obyus ba...for now i earn $27.00.

:-)

Facing My Sunrise said...

ti indi na nila ma abot brandz?ti ma abot mn na nila guro imo ip adres sa imo kyumpoter.dayon ma bal-an nila nga amo mn gihapon ang naga tum-ok.huhuhu.ti ok lang na ayhan?kay nabasa ko to sa isa sa mga discussions nila, mangin basehan man na kno nila sa pag terminate sa account.

Facing My Sunrise said...

ay subong gle $15.39 nko.ti ang imo gid na guro tum-ok ang gapa saka.hehehe..gin email ko na mga friends ko nga indi nila sagay tum-ok mga ads ko.hehehe budlay na.tenk yu gid brandz!!!

jb29 said...

wow as in wow kinse dolyarees na...dont worry anne once a day ko na lang guinatum-ok sa comp ko diri sa opisina kag kung sa sagwa ako nagacomp guintum-ok ko man hehehe..

:-)

Anonymous said...

baby justin bieber mp3 downloads [url=http://connections.blackboard.com/people/3874b3d09b]justin bieber baby song download mp3 [/url] justin bieber baby lyrics song download